Mandatory coverage para sa mga OFW, pinalawak ng Pag-IBIG
Παρ, 05/02/2010 - 19:29
Mandatory coverage para sa mga OFW, pinalawak ng Pag-IBIG
Pinalawak ng housing finance ng gobyerno ang kanilang mandatory coverage upang maisa ang mga manggagawang Pilipino sa tinatawag na formal at informal na sector dito sa bayan at sa labas ng bansa.
Ibinalita ng Home Development Mutual Fund (HDMF or Pag-IBIG Fund) sa isang panayam noong Lunes na nakikipag-usap ang chief executive officer Jaime Fabiaña sa mga manggagawang Pilipino sa HK upang ipaalam sa kanila ang pagpapasa sa batas 9679 (or the Home Development Mutual Fund Law of 2009) na naisabatas noong isang buwan.
Ang RA 9679 ay nag-uutos ng P100 kontribusyon mula sa mga miyembro upang maging pondo at magagamit para sa short-term loans and housing loans. Ang batas ay pinalawak upang sakupin ang mga manggagawang Pilipino na nagtratrabaho sa loob at labas ng bansa kung saan, ang kanilang empleyado ay mga banyaga.
Hindi sang-ayon ang mga OFWs sa Hongkong. Ayon sa Gabriela-Hong Kong, ang mandatory Pag-IBIG coverage ay isang gimik upang pipigain ang mga manggagawa sa kanilang kita.
Samantala, ayon kay Fabiana, ang programang ito ay para sa ikabubuti ng mga Pilipino dahil maaaring maging doble o triple pa ang kanilang maaani sa perang pinondo nila.
Ang mga benepisyo nitong mandatory coverage ay ang mga sumusunod:
1. savings - ang contribusyon ng mga miyembro ay magiging sarili nilang pondo ngunit ito ay magkakabunga ng dibidendo na may buong garantiya ng gobyerno national. Noong 2009, ang Pag-IBIG ay nagdeklara ng tax free dividends na aabot sa P8.5 BILYON NA may dividend rate na 5%.
2. Short term loan - karapatan ng miyembro na makakuha ng mga short term loan na siyang sasagot sa kaniyang mga pangangailangan kagaya ng mga tuition fees, hospital bills, appliance purchases, minor home repairs, and even for small business capital.
3. Housing loan- karapatang makakuha ng isang housing loan sa mababang interest sa 6 percent - 11.5 percent na maaaring bayaran sa 30 taon. Maaaring makahiram ang miyembro ng 3 milyong para sa pagbili ng mga fully developed lot sa loob ng residential area ng hindi tataas ng 1,000 square meters, pamimili ng residential house and lot, townhouse or condominium unit, pagtayo at pagkompleto ng residential unit on a lot owned by the member, pagpapaganda at refinancing of an existing loan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, tumawag sa 724.4244 o bumisita sa Pag-IBIG office located at the 6F, Justine Building, Gil Puyat Avenue, Makati. Maaari ding makapagrehistro sa Pag-IBIG satellite offices at the Philippine Overseas Employment Agency (POEA), the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) o makipag-coordinate sa the Pag-IBIG information officers na gumaganap sa Pre-Departure Orientation Seminar para sa mga OFWs
Πρόσφατα posts στα blogs
- Με λίγες Διακοπές της Αθήνας …μακριά από το Ευρώ …
- Διεθνοποιώντας το πρόβλημα, βρίσκουμε και τον νέο μας ρόλο...
- Samantha Cameron uber alles!
- Ο ΕΘΕΛΟΝΤΙΣΜΟΣ ΣΤΟ ΔΗΜΟ ΑΘΗΝΑΙΩΝ
- Πρόγραμμα Εθελοντικής Δράσης από το Δήμο Αθηναίων : "Προστατεύω τον εαυτό μου και τους άλλους"
- Ο Ελληνικός Γρίφος …
- NEWSWEEK & Wall Str.J: Ελληνική κρίση & Ευρωπαϊκή ηγεσία
- Μια ταινία για όλους, φτιαγμένη από έναν εξαιρετικό άνδρα...
- Προτάσεις για την ανακούφιση ταλαιπωρούμενου συμπατριώτη μας
- Κοινωνία της Πληροφορίας η Αθήνα


